Hindi pa napapanahon na gawing Optional ang pagsusuot ng face mask sa indoor spaces.
Binigyang-diin ito ni DOH OIC, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna ng inilabas na Executive Order 3 ni Pangulong Bongbong Marcos na nagpahintulot na gawin na lamang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas.
Ayon kay Vergeire, hindi nila inirerekomenda sa publiko na magtanggal ng face mask sa mga indoor space o mga crowded area.
Marami na anyang scientific evidence na malaki ang posibilidad nang hawaan ng sakit, tulad ng COVID-19 sa mga siksikang lugar.
Hinimok naman ni Vergeire ang mga vulnerable individual, partikular ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19, senior citizen at immunocompromised na magsuot pa rin ng face mask.
Ibinabala rin ng DOH official kahit nasa open spaces ay “Advisable” lamang ang paghuhubad ng face mask sa low-risk setting na may low-risk individuals.