Dumating na sa bansa ang kauna-unahang “oral antiviral drug” na gamot laban sa COVID-19 .
Inilabas ang naturang anunsiyo ng Faberco Life Sciences Inc., isang Pharmaceutical Company sa Pilipinas, kung saan ito ang kauna unahang kumpanyang nagdala ng Molnupiravir sa Pilipinas.
Ang Molnupiravir ay iniinom upang pigilan ang paglala ng kaso ng covid-19 na nangangailangan ng pagpapa ospital.
Dinivelop ang nasabing oral na gamot ng Merck And Co Incorporated, isang multinational company na siyang nagbigay ng lisensya sa walong kilalang tagagawa ng gamot sa buong mundo kabilang na ang kumpanyang Faberco.
Maaaring gamitin ang Molnupiravir sa Pilipinas sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP) na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa bansa.
Bagaman hindi pa ito maaaring bilhin sa botika, pinili ng Faberco ang Ritemed Philippines Inc. Upang maging distributor sa mga pribadong sektor kabilang na ang mga ospital, medical institution at treatment site.