Isang oral antiviral drug laban sa COVID-19 ang patuloy na isinasalang sa clinical trial sa bansa.
Ayon kay Dr. Randy Castillo ng Lung Center of the Philippines, ang “mulnopiravir” ay nakitaan ng magandang epekto para labanan ang COVID-19.
Ani Castillo, sa kasalukuyan ay nasa 11 COVID-19 patient na may mild hanggang moderate symptoms ang nabigyan na ng mulnopiravir.
Sa mga pasyenteng ito, 80 hanggang 90% ang nakitang potensyal sa nasabing gamot para bigyan ng proteksyon ang mga ito laban sa COVID-19.
Isa siyang kapsula. Nakitaan po ng magandang epekto upang makatulong sa pag sugpo ng COVID-19 virus na sanhi ng COVID infection. Usually gumagana ito sa pamamagitan ng paghinto, pag-replica at pagdami ng virus sa ating katawan. So, maganda ito kasi tableta sya as suppose sa mga ibang available sa ating ospital na kailangan idaan sa swero o ma-admit pa ang pasyente. 80% to 90% dun sa pasyente nating na-enroll dito sa trial, eh talagang hindi na nag-progress ang kanilang sakit. So talagang malaki po ang potential nito, parang break-through drug po ito especially sa mild to moderate.
Si Dr. Randy Castillo ng Lung Center of the Philippines sa panayam ng DWIZ.