Pinasasagot ng Korte Suprema ang gobyerno kaugnay sa petisyon na humihiling na ipawalang-bisa ang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa en banc resolution, inatasan ng korte ang Office of the President at Commission on Elections na maghain ng komento sa Biyernes, Oktubre a – 21.
Itinakda rin ng Supreme Court ang oral argument sa nasabing petsa, alas-3 ng hapon.
Una nang naghain ang Veteran election lawyer na si Romulo Macalintal ng petisyon na humihirit sa SC na atasan ang Office of the President at Comelec na ipatigil ang Republic Act 11935.
Alinsunod sa nasabing batas, i-a-atras ang petsa ng Barangay at Sk polls sa October 2023 sa halip na sa December 5, 2022 na orihinal na petsa.