Aarangkada na ngayong araw ang ikalawang balsada ng oral arguments sa The Hague, Netherlands.
Ito’y hinggil sa reklamong isinampa ng Pilipinas laban sa China hinggil sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Magugunitang iginiit ng Philippine delegation sa unang yugto ng oral arguments ang environmental at fishing rights ng Pilipinas laban sa China sa layuning maideklarang iligal ang pagpapatupad ng nine-dash line.
Dahil dito, nagpasya ang Tribunal na palalimin pa ng husto ang punto ng Pilipinas sa inihain nitong petisyon laban sa ginagawang reclamation ng China sa mga batuhan at bahura sa West Philippine Sea.
By Jaymark Dagala