Nagtakda ang Korte Suprema ng oral arguments kaugnay ng petisyon na kumukwestiyon sa ilang probisyon ng family code na nagbabawal sa same-sex marriage.
Itinakda ng Supreme Court (SC) ang oral arguments sa nasabing issue sa Hunyo 19, ganap na alas 2:00 ng hapon.
Ang nasabing petisyon ay inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis the Third laban sa civil registrar-general.
Intervenor naman sa kaso sina Atty. Fernando Perito, L.G.B.T.S. Christian Church Incorporated at Reverend Cresencio Agbayani Jr.
Sa petisyon ni Falcis, hiniling nito na ideklarang unconstitutional ang Articles 1 at 2 ng Family Code o Executive Order 209 na nagtatakda na ang pagpapakasal ay limitado lamang sa pagitan ng isang lalaki at babae.
Labag anya ang nasabing mga probisyon sa karapatan ng mga homosexual na magtatag ng sariling pamilya at ang karapatang ito ay gina-garantiyahan ng Section 3 ng 1987 Constitution.
Drew Nacino / Bert Mozo / RPE