Malabo pang maisalya ng Korte Suprema ang serye ng oral arguments hinggil sa kontrobersyal na anti – terrorism law.
Ayon kay Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, maraming isyu ang lumulutang ang dapat munang ayusin maliban pa sa tambak na mga inihaing petisyon laban sa nasabing batas.
Nabigla aniya ang high tribunal nang umabot na sa 37 ang bilang ng mga inihaing petisyon kontra sa anti-terrorism act kaya’t naudlot ang dapat sana’y pagtalakay dito noong isang buwan.
Dahil dito, inatasan na niya ang member in charge para gumawa ng common issues sa mga petisyon laban sa nasabing batas kontra terrorismo.
Sakaling masala na ang mga tinatawag na not common issues sa nasabing batas ay maaari nang itakda ng members in charge ang preliminary conference at saka maitatakda na ang oral arguments na posible sa susunod na buwan.