Sinimulan nang dinggin ngayon ng Korte Suprema sa oral arguments ang mga petisyong kumukuwestyon sa ikatlong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.
Apat ang petisyong naihain sa Supreme Court, kabilang dito ang sa Magnificent Seven ng House of Representatives, Makabayan Bloc, dating Comelec Chairman Christian Monsod at Lumad teachers na kinakatawan ng Free Legal Assistance Group (FLAG).
Iginiit ng mga petitioners na hindi na umiiiral ngayon sa Mindanao ang factual basis na natatanging basehan ng deklarasyon ng martial law, batay sa Saligang Batas.
Ang oral arguments ay magsisimula ngayong hapon at handa umanong ipagpatuloy bukas ng Korte Suprema kung kinakailangan.
Una rito, dalawang beses nang pinagtibay ng Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
—-