Umarangkada na ang oral arguments ng Korte Suprema hinggil sa mga petisyong kumukwestyon sa ligalidad ng pinalawig na batas militar sa Mindanao.
Magugunitang apat na petisyon ang inihain sa Supreme Court upang igiit ang pagpapatigil sa Martial Law sa Mindanao na pinalawig ng isang taon o hanggang katapusan ng 2018.
Kabilang sa mga petitioner ang grupo ng mga opposition lawmaker o Makabayan Bloc sa pangunguna ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales at dating Commission on Elections Chairman Christian Monsod.
Dinepensahan naman ni Solicitor-General Jose Calida ang desisyon ng gobyerno na i-extend ang batas militar at iginiit na walang umiiral na rebelyon sa Mindanao.
Ito’y bilang tugon sa argumento ng mga petitioner na tuluyan ng napulbos ng mga tropa ng gobyerno ang mga miyembro ng isis-Maute sa Marawi City kaya’t wala umanong dahilan upang paliwigin ang martial law.