Tinapos na ng Supreme Court ang oral arguments sa mga petisyon laban sa idineklarang Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao, matapos ang dalawang araw na public debates.
Ayon kay SC Court Spokesman Theodore Te, nagpasya ang mga mahistrado na isara sa publiko ang talakayan sa ikatlong araw ng oral arguments, alinsunod sa hiling ni Solicitor General Jose Calida.
Nakadalo rin aniya sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, General Eduardo Año sa closed-door discussions makaraang payagan ng Korte Suprema ang hirit naman ni Albay Representative Edcel Lagman, isa sa mga petisyon laban sa batas militar.
Si Lorenzana ang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Martial Law administrator habang si Año ang implementor.
Gayunman, hindi na idinetalye ni Te kung ano ang mga tinalakay sa oral arguments dahil bahagi ito ng national security.
Alinsunod sa Rule 119, section 21 ng rules of court, pinagbabawalan ang SC na isapubliko ang anumang impormasyon na maaaring maging hadlang o makaapekto sa pambansang seguridad.
By Drew Nacino
Oral arguments sa Mindanao Martial Law tinapos na ng SC was last modified: June 16th, 2017 by DWIZ 882