Sinuspinde ng Supreme Court ang oral arguments para sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ito’y makaraang i-adjourn ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang sesyon nang walang inilalabas na desisyon dahilan upang mapalawig ang Temporary Restraining Order sa NCAP.
Itutuloy naman ang Oral Arguments sa Enero a – 24 ng susunod na taon.
Sa nasabing sesyon, tanging si Associate Justice Japar Dimaampao ang nakapag-interpellate sa mga kinatawan ng transport groups at inatasan ang petitioners na maghain ng karagdagang dokumento, kabilang ang Notices of Violation.
Tinukoy din ng mga petitioner ang ilang grounds kung bakit nilabag ng NCAP ang saligang batas kaya’t dapat tuluyang ibasura.
Kabilang sa tinukoy ni Atty. Greg Pua Jr., na kinatawan ng transport groups, ang napakataas umanong multa laban sa violators ng traffic rules sa Metro Manila.
Kumatawan naman para sa mga LGU ng Maynila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque, Muntinlupa at Land Transportation Office, na pawang respondents, si Solicitor-General Menardo Guevarra.