Sisimulan na mamaya ng Korte Suprema ang Oral Arguments sa mga petisyong kumukwestyon sa ligalidad ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa ilang lungsod sa Metro Manila.
Itinakda ng Supreme Court ang pagdinig alas-2 mamayang hapon.
Una nang ipinag-utos ng SC ang pansamantalang pagpapatigil ng implementasyon ng NCAP sa limang lungsod sa Metro Manila matapos maghain ng petisyon ang ilang transport group.
Kinabibilangan ito ng mga grupong PASANG MASDA, ALTODAP at ACTO.
Respondents naman ang mga local governments ng Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Quezon City at Valenzuela, maging ang Land Transportation Office.