Malaki ang paninwala ng palasyo na kung mapatunayang epektibo at ligtas ang ini-embentong oral COVID-19 vaccine, tiyak na susuportahan at paglalaanan ito ng pondo ni Pang. Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nakasisiguro syang kapag naging matagumpay ang vaccine na dine-develop ng ilang eksperto sa bansa, hindi malayong makatanggap ito ng pabuya mula sa pangulo.
Pahayag ni roque, mayroon naman kasi talagang ipinangakong gantimpala si pang.dutertw para doon sa mga Pilipinong makalilikha ng bakuna kontra COVID-19.
Ngunit paglilinaw ng kalihim, sa ngayon, ang maitutulong pa lamang gobyerno, sa pamamagitan ng dost ay ang pondohan mula sa kabang yaman ng bansa, ang clinical trial ng dinidiskubreng oral COVID-19 vaccine.
Dagdag ni roque, pangungunahan ang clinical studies na ito ng mga nangungunang unibersidad sa ating bansa.