Itinaas na ang orange alert level, ang pinakamataas na alerto dahil sa nararanasang matinding air pollution sa kapital ng China.
Ito ay matapos na umabot sa 390 micrograms per cubic meter ang pm2.5 – levels ng smog sa syudad ng Beijing o 15 beses na mas mataas kaysa sa recommended levels
Sa ilalim ng orange alert, dapat na magbawas ng production habang ang mga industrial plants habang ang mga malalaking trucks ay bawal muna sa lansangan.
Pinayuhan naman ang mga residente na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan.
By: Rianne Briones