Itinaas na ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Zambales at Bataan dahil sa Southwest Monsoon o habagat.
Base sa ulat ng PAGASA, asahan ang posibleng pagbaha sa dalawang probinsya, lalo na sa mga mababang lugar at malapit sa katubigan dulot ng pag-ulan.
Nasa yellow rainfall warning naman ang rehiyon ng Pampanga kung saan posibleng magkaroon din ng pagbaha.
Ayon sa PAGASA, makakaranas naman ng pabugsong bugsong ulan ang Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal sa mga susunod pang araw.
Nagpaalala naman ang PAGASA sa mga residente at opisyal ng kalamidad na gumawa ng naaangkop na aksyon, subaybayan ang kalagayan ng panahon, at maghintay para sa susunod na payo sa 2 ng Biyernes.
Nauna nang sinabi ng ahensya na ang Southern monsoon ay nagtapon ng isang buwan na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon sa nakaraang 7 araw, na humantong sa pagbaha sa mga bahagi ng Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.