Inilabas na ng pamunuuan ng Manila Cathedral sa Intramuros ang iskedyul ng misa at aktibidad ng kanilang simbahan ngayong Semana Santa.
Kanilang alas diyes ng umaga, pinangunahan ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula ang misa para sa Linggo ng Palaspas.
Sa Huwebes Santo, si Advincula rin ang mangunguna sa Chrism Mass at misa sa paggunita sa Huling Hapunan ni Hesu Kristo kasama ang kaniyang disipulo.
Sa Biyernes Santo, magkakaroon ng Station of the Cross ng alas nuebe ng umaga habang ang Mass for the Commemoration of the Lord’s Passion ay magsisimula ng alas tres ng hapon kabilang ang Liturgy of the Word, Veneration of the Cross, at Holy Communion.
Gaganapin naman ang Easter Vigil Mass ng alas otso ng hapon sa Sabado, Abril 16.
Alas otso, alas diyes ng umaga hanggang at alas sais ng gabi naman ang the Easter Sunday masses sa Abril 17. – sa panulat ni Abie Aliño-Angeles