Inilabas na ng Commission on Elections ang oras ng botohan sa Mayo 12.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, maaari nang bumoto sa 2025 national at local elections ang mga senior citizen, buntis, at persons with disabilities mula alas-singko ng umaga hanggang alas-siete ng gabi.
Magsisimula naman nang alas-siete ng umaga at magtatapos ng alas-siete ng gabi ang regular voting hours.
Magsisimula naman ang overseas voting period sa April 13, alas-otso ng umaga sa host country hanggang May 12, alas-siete ng umaga, oras sa Pilipinas.
Ipinabatid ng poll body na dapat ay enrolled na sa overseas voting ang mga Pilipino sa abroad bago ito bumoto.
Ito ang kauna-unahang internet voting sa kasaysayan ng Pilipinas. —sa panulat ni John Riz Calata