Maaari pang palawigin ang oras na botohan sa Lunes, Mayo 9.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez, ito ay kung mayroon pa ring nakapila 30 metro ang layo mula sa polling precints.
Magaganap ang botohan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi at maaaring i-extend depende sa dami ng tao.
Una nang sinabi ng COMELEC na hindi na kailangang magdala ng vaccination cards, face shields, at rt-pcr test results ang mga botante para makaboto.