Ipinag-utos ni Atty. Romando Artes, acting Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang pagpapalawig ng oras ng duty ng mga personnel nito ngayong Christmas season.
Dahil ito sa inaasahang dagsa ng mga sasakyan na babagtas sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Artes, ilan sa kanilang mga personnel ay magtatrabaho na hanggang alas-12:00 ng hating gabi, para makontrol ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada at mga malapit sa malls sa Metro Manila.
Ang desisyong ito ni Artes ay ginawa matapos baguhin ang oras ng pagbubukas at pagsasara ng mga malls.
Mahigpit namang babantayan ng MMDA ang aktibidad ng kanilang personnel, sa pamamagitan ng CCTV cameras na matatagpuan sa kanilang MMDA metro base.