Pinaikli na ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang oras para sa libreng sakay ng mga estudyante sa LRT line 2.
Ayon sa LRTA, dahil sa pagsasara ng ilang istasyon ng tren ay malilimitahan na lamang sa hapon mula alas tres hanggang alas kwatro y medya ang libreng sakay mula Lunes hanggang Biyernes.
Tinanggal na ng pamunuan ang libreng sakay sa umaga na mula alas kwatro y medya hanggang alas sais ng umaga.
Siniguro naman ng pamunuan ng LRTA na muling ibabalik ang libreng sakay sa umaga kapag bumalik na sa normal ang operasyon ng buong LRT line 2.
Matatandaang ipinasara ang Santolan, Katipunan at Anonas Stations dahil sa pagkasunog ng rectifier ng tren.