Iniklian ng Commission on Elections (Comelec) ang oras ng registration habang sinuspinde naman ang satellite operations simula ngayong araw, Marso 22.
Ginawa ng poll body ang desisyon matapos magpalabas ng memorandum circular ang Malacañang na nag-aatas sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtalaga ng skeleton workforce na may 30% hanggang 50% na operational capacity hanggang Abril 4 upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa isang kalatas, binanggit ng Comelec na tatanggap ito ng mga applications for registration mula Lunes hanggang Huwebes, bandang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Gayunman, nilinaw ng ahensya na maglalabas ito ng voter’s certification hanggang alas-5:00 ng hapon.