Posibleng limitahan lamang sa ilang oras kada linggo ang pasok sa paaralan ng mga estudyante.
Ito ay sakaling aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng physical o face-to-face classes.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakatakdang talakayin sa pulong nina Pangulo Duterte at kanyang gabinete ang posibleng pagbabalik ng pisikal na klase sa Lunes, ika-22 ng Pebrero.
Paliwanag ni Roque, hindi aniya nangangahulugang kapag nagbalik na ang face-to-face classes ay itutulad ito sa dating walong oras, limang araw kada linggo na pasok.
Aniya, maaari itong gawing isa hanggang tatlong oras lamang kada linggo kung saan may kombinasyon ng module at online classes.
Magugunitang, ipinagpaliban ni Pangulong Duterte ang nakatakda na sanang pilot run ng face-to-face classes noong nakaraang buwan dahil sa pagkakatala ng kaso ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.