Pinalawig pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang oras para sa ginaganap na voter registration.
Ayon sa COMELEC, layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na makapagparehistro para sa darating na national at local elections sa Mayo 9, 2022.
Sa abiso ng COMELEC, epektibo Pebrero 16, ubukas para sa mga magpaparehistro ang mga tanggapan ng ahensiya mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Martes hanggang Sabado kabilang ang holidays.
Sarado naman ang kanilang mga opisina tuwing Lunes para bigyang daan ang pagdi-disinfect.
Samantala, binibigyan naman ng hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon ang mga Pilipinong magparehistro bilang mga overseas voters na nasa ibang bansa mula Abril 10 hanggang Mayo 9, 2022.
Kinakailangan lamang nilang magtungo sa mga local field registration centers sa kinaroroonang bansa mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon