Nakatakdang mag-isyu ng oratio imperata ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP para hilingin ang pag-ulan sa mga lugar sa bansang nakararanas ng matinding tag-tuyot dulot ng El Niño.
Ayon kay CBCP President Archbishop Socrates Villegas, handa na ang mga kaparian sa oras na ipalabas ang oratio imperata.
Naniniwala si Villegas na may kapangyarihan ang panalangin at uulan sa oras na gawin ang oratio imperata.
Matatandaang ipinabatid ng PAGASA na posibleng tumagal pa hanggang kalagitnaan ng 2016 ang nararanasang El Niño phenomenon.
By Ralph Obina