Naglabas na si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng “oratio imperata” o obligatory prayer para sa mga probinsyang tatamaan ng nakaambang El Niño.
Sa pamamagitan ng isang circular, ibinahagi ni Tagle ang kanyang panawagan ng panalangin sa mga kapwa obispo, mga pari, at lahat ng mga naglilingkod sa simbahan sa buong bansa.
Humihingi rin ang arsobispo ng panalangin sa pagpapatawad dahil sa pag-abuso ng mga tao sa mga likas na yaman at kalikasan.
Sinabi ni Tagle na dapat gawin ang unang dalawang bahagi ng “oratio imperata” araw-araw at tuwing linggo at ang nalalabi ay itutuloy pagkatapos ng komunyon at bago ang post communion prayer habang nakaluhod ang mga tao.
Ayon kay Tagle, panalangin ang pinakamalaking kontribusyon ng simbahan lalo na’t sinasabing 46 na mga probinsiya ang maaaring maapektuhan ng matinding tagtuyot.
By Jelbert Perdez