Nagkasa ng Oratio Imperata si Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas kaugnay sa problema sa mga kaso ng EJK o extra judicial killings.
Ay nasabing panalangin ay batay na rin sa panawagan ng Simbahang Katolika hinggil sa mga kaso ng pagpatay na iniuugnay sa anti illegal drugs campaign ng gobyernong Duterte.
Sa isinagawang Walk for Life Walkathon sa Luneta nuong Lunes binigyang diin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na dapat igalang ang pagiging sagrado ng buhay kahit ilan sa mga nito ay nagkasala sa batas.
Magugunitang naninindigan ang CBCP sa pagkontra sa isinusulong na pagbuhay sa parusang kamatayan at tuluy tuloy ang pagtutok nila sa mga kaso nang pagpatay sa bansa.
By: Judith Larino