Nag alay ng oratio imperata ang archdiocese ng Maynila para ipagdasal ang mga tinamaan ng sakit na dengue at leptospirosis.
Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, inaatasan ang lahat ng parish priest, rectors, chaplains at superiors ng religious communities sa ilalim ng archdiocese ng Maynila para ipagdasal ang paggaling ng mga may sakit ng dengue at leptospirosis at iba pang karamdaman.
Dalawang bersiyon ang inilabas na oratio imperata isa sa wikang Ingles habang isang Filipino.
Dadasalin ito pagkatapos ng komunyon sa lahat ng mga misa sa mga simbahan sa Maynila simula sa Setyembre 1.