Pinagkalooban ng Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘Order of Lapulapu, rank of Kampilan’ ang 12 nasugatan sa kambal na pagsabog sa Indanan, Sulu.
Binisita ng pangulo kagabi ang mga sundalo sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.
Kabilang sa mga ginawaran ng medalya sina Staff Sergeants Ferdinand Clemente, Marlon Domingo, Sergeants William Andrade, Ryan Ferrer, Richard Tudla, Mark Joseph Mamingcol, Jykyl Bautista, Corporals Serto Bagni, Rommel Soliman, Private 1ST Class John Angelo Carpio, Ralph Sabroso at Dariel Bolivar.
Pinagkalooban naman ng Order of Lapulapu, rank of Kalasag, ang dalawang sundalo nasawi sa pag-atake na Sibna Private 1ST Class Dominique Inte at Private 1ST Class Recarte Alban, Jr. na ang parangal ay tinanggap ng kanilang mga kaanak.
Magugunitang ginawaran din ng kaparehong parangal ng Pangulong Duterte si Corporal Richard Macabadbad noong Linggo ng gabi.
Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. General Cirilito Sobejana, ang parangal ay iginawad sa mga sundalo bilang pagkilala sa kanilang katapangang ipaglaban ang bansa.