Inaprubahan ng City Council ng Muntinlupa ang ordinansang nagpaparusa sa mga magtatangkang magpaturok ng booster shots.
Nakasaad sa ordinansa ang limang libong pisong multa at pagkakulong ng anim hanggang siyam na buwan ng mapapatunayang nagtatangkang magpa booster shot o ikatlong turok ng bakuna kontra COVID-19.
Una nang ibinabala ni MMDA Chairman Benhur Abalos na makukulong ang sinumang magpapaturok ng booster shots.