Walang takas at mararamdamam lalo na ng mga ordinaryong mamamayan ang epekto nang pagsadsad ng piso kontra dolyar.
Ito’y ayon sa ekonomistang si Emmanuel Leyco ay kung magpapatuloy pa ang pagtaas sa presyo ng langis dahil sa paghina ng piso na magreresulta rin sa lalo pang pagmamahal sa halaga ng mga pangunahing bilihin, serbisyo at pasahe.
Binigyang-diin ni Leyco na walang kawala ang Pilipinas lalo na ang mga ordinaryong mamamayan sa hindi magandang epekto nang pagbagsak ng palitan piso na kasalukuyang lagpas na sa 57 pesos kada isang dolyar.