Magaganap na sa Pebrero 11 ang ordinasyon kay Monsignor Arnaldo Catalan bilang archbishop sa Manila Cathedral.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), si Catalan ang bagong apostolic nuncio sa Rwanda.
Ang Apostolic Nuncio ay ang ecclesiastical diplomat na naglilingkod bilang envoy o permanent diplomatic representative ng holy see.
Maliban kay Catala, magsisilbi ring principal consecrator sa Manila Cathedral si Cardinal Luis Antonio Tagle.
At si Cardinal Jose Advincula ng Manila and Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio sa Pilipinas bilang co-consecrators. —sa panulat ni Abby Malanday