Napasok na ng organic rice mula sa M’lang, North Cotabato ang merkado sa United Arab Emirates.
Ayon kay Dubai Entrepinoy Reintegration Program Chairperson Sheryl Bacay, sampung toneladang brown, red at black rice ang nai-supply na sa mga pamilihan at kainan sa Dubai.
Aniya, malaking tulong ito sa halos 70 mga magsasaka sa bayan ng M’lang na nakatutok sa pagtatanim ng mga organic rice.
Positibo naman si Philippine Consul General sa UAE Paul Raymund Cortez na ang naturang programa ay mag po-promote sa mga produktong agrikultura ng bansa.
—-