Umalma ang organizers ng Palit-Bise Rally sa report na 4,000 lamang ang dumalo sa nasabing pagtitipon sa Luneta kahapon.
Ayon kay Atty. Bruce Rivera, isa sa mga organizer, higit pa sa nasabing bilang ang mga dumalo sa isinagawa nilang rally para patalsikin si Vice President Leni Robredo.
Binigyang diin ni Rivera na halos napuno nila ang Grandstand kaya’t maling i-under estimate ang bilang ng mga dumalo sa Palit-Bise Rally.
Kasabay nito, idinepensa ni Rivera ang obserbasyong karamihan sa mga nagtungo sa rally ay walang sapat na kaalaman sa isyu ng pederalismo.
Sinabi ni Rivera na ang nasabing pagtitipon ay nagsilbi ring behikulo para sa information campaign nila sa usapin ng pederalismo na isinusulong mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Judith Larino