Hindi na muna magpapapasok ng mga locally stranded individuals (LSI)’s at balik-bansang mga OFW’s ang Oriental Mindoro hanggang Nobyembre a-11.
Ito ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro matapos matindin salantain ng Bagyong Quinta.
Ayon sa Oriental Mindoro LGU’s, kinakailangan muna nilang ipaayos ang kanilang mga isolation at quarantine facilities na nasira ng nagdaang bagyo.
Maliban dito, nagpapatuloy din ang isinasagawang rehabilitation measures ng kanilang mga health at disaster offices sa mga pamilyang naaapektuhan ng Bagyong Quinta.