Isinailalim na sa community quarantine ang lalawigan ng Oriental Mindoro dahil pa rin sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Epektibo ngayong Sabado, March 14, alas-12:01 ng tanghali ang quarantine sa lalawigan.
Ayon kay Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, magpapatupad sila ng total ban sa paglabas-masok ng mga tao, pati na sa land at sea travel sa kanilang probinsya.
Ang naturang hakbang, ani Dolor, ay batay na rin sa rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council na maghigpit na sa pagpapapasok at pagpapalabas ng mga tao upang mapigil ang paglaganap ng virus sa kanilang lalawigan.