Kinumpirma ni deputy Speaker, Oriental Mindoro Representative Salvador Leachon na nagpositibo siya sa COVID-19 at ngayo’y nakarekober na mula sa sakit.
Ayon kay Leachon, kasama niyang nagpositibo sa virus ang kanyang asawa.
Aniya, gabi ng Enero 9 nang lumabas naman ang resulta ng kanilang pinakahuling swab test kung saan nagnegatibo na sila sa virus.
Dagdag ni Leachon, mas nahirapan aniya ang kanyang asawa sa mga naranasang nitong sintomas kung saan walong araw itong may lagnat.
Samantala, nagnegatibo naman aniya sa COVID-19 ang kanilang tatlong anak, kasambay, drivers at security escort.
Si Leachon na ang ika-labing dalawang kongresista na nagpositibo sa COVID-19 kung saan dalawa sa mga ito ang nasawi.