Isinailalim na sa state of calamity ang Ormoc City matapos ang pananalasa ni Bagyong Urduja.
Sa bisa ng pinagtibay na City Resolution no. 2017-354, idineklara ng lokal na pamahaalan ng Ormoc City ang state of calamity doon base narin sa naging rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC.
Maging ang Tacloban City na kabilang sa sinalanta ni Bagyong Urduja ay nagdeklara narin ng state of calamity.
Dahil dito, maari nang ipatupad ng Local Government Units o LGUs ang price freeze para sa lahat ng basic commodities upang maiwasan ang anumang pananamantala ng ilang negosyante doon.
Nakasaad din sa batas na ang mga LGU na nasa ilalim ng state of calamity ay may kapangyarihang maglabas ng agarang pondo para sa kanilang disaster response and relief efforts.