Opisyal nang bahagi ng Philippine Coast Guard Auxilary (PCGA) ang aktres at alkalde ng Ormoc City na si Lucy Torres-Gomez.
Nanumpa si Gomez sa harap ni PCG commandant Admiral Artemio Abu sa Ormoc City noong Biyernes kung saan nabigyan ito ng honorary rank ng Auxiliary Commodore bilang bahagi ng PCGA executive squadron.
Kasama sa seremonya si Leyte 4th district representative Richard Gomez na asawa nito at si auxiliary captain Diether Ocampo, isang aktibong miyembro ng PCGA.
Nagpasalamat naman si Gomez sa tapat na serbisyo ng PCG para sa kanilang lugar.
Isinagawa ang seremonya kasabay ng ika-11 anobersaryo ng Coast Guard District-Eastern Visayas o CGDEV na may temang: CGDEV@11: Strengthening Bonds for Secure and Peaceful Eastern Visayas.—mula sa panulat ni Hannah Oledan