Nagpositibo sa COVID-19 ang aktor at kasalukuyang Ormoc City Mayor Richard Gomez.
Ayon kay Gomez, posibleng nakuha nito ang virus sa pakikisalamuha sa mga taong kinakausap dahil sakanyang trabaho bilang alkalde.
Dagdag pa ni Gomez, na sa ngayon ay mild lamang ang kanyang nararamdamang sintomas ng virus.
Sa huli, sinabi ng alkalde na kakailanganin niyang magpahinga at mag-isolate para hindi makaha ng iba pa.
Babalik lang aniya ito oras na makakuha ng ‘clearance to work’ ng kanyang mga doktor.