Nanawagan ng tulong ang Ormoc City government para sa mga biktima ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa lungsod noong nakaraang linggo.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, ito ay dahil sa sasapat na lang aniya sa dalawang araw ang imbak nilang suplay ng pagkain.
Kaya naman umaapela si Gomez na tulungan ang kanyang mga kababayan na nahihirapan sa mga evacuation centers.
Maaari aniya maipadala ang mga cash donations sa pamamagitan ng Ormoc City Chamber of Commerce sa kanilang security bank account na C-A 00-00-00-66-54-49-3.
Sa tala ng pamahalaang panlungsod ng Ormoc nasa isandaan at apatnapung (140) milyong piso ang kakailanganin nilang pondo para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay at gusali.
By Ralph Obina
Ormoc umapela ng tulong; food supply sapat na lang sa 2 araw was last modified: July 13th, 2017 by DWIZ 882