Hindi tatakbong Senador sa eleksyon 2022 si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.
Ito ayon sa kanyang asawa na si Ormoc Mayor Richard Gomez, at kinumpirmang tatakbo ito sa pagka-Alkalde ng Ormoc City.
Matatandaang noong Hulyo, inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na kabilang si Lucy sa para sa kanilang senatorial-lineup sa 2022.
Samantala, hindi pa malinaw kung tatakbo naman bilang kongresista ang kanyang asawang si Richard.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico