Balak ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbitahan sa Pilipinas ang orthodox missionaries mula sa Russia.
Ito ang sinabi ng Chief Executive sa ginawa nitong pagharap sa Valdai forum kung saan tumanggap din ito ng mga katanungan mula sa mga participants ng aktibidad.
Ayon kay Pang. Duterte, nais niyang bumisita sa bansa ang mga rusong misyunaryo upang mahanapan na rin sila ng lugar kung saan maari nilang maitatag ang kanilang orthodox church.
Paliwanag ng Pangulo, may naitayo nang Russian orthodox church sa Pilipinas ngunit nuon pa aniya itong 1922 na ngayoy nasira na.
Ikalawa ang Orthodox catholic church sa pinakamalaking christian church sa buong mundo at sinasabing nasa Russia ang kalahati sa mga ito na pawang na walang mga doctrinal o governmental authority mula sa mga obispo sa Roma.