Magsisilbi na ring loading point ang Ortigas Station ng mga idini-deploy na bus sa ilalim ng bus augmentation program ng MRT-3.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), simula bukas, Miyerkules, ay kabilang na ang Ortigas Station (northbound at southbound) sa loading points para mas marami pang pasahero ang maserbisyuhan at mapaikli ang pila ng commuters tuwing rush hour.
Alas-4 ng madaling araw ang simula ng unang biyahe sa North Avenue at Taft Avenue Stations habang ang huling biyahe ay hanggang alas-9 ng gabi.
Kabilang sa loading at unloading stations sa northbound, ang Taft Avenue Station, Ayala Station at Ortigas Station bilang loading stations at Ayala Station, Guadalupe Station, Ortigas Station, Quezon Avenue Station at North Avenue Station bilang unloading stations.
Sa southbound, kabilang sa loading stations ang North Avenue, Quezon Avenue at Ortigas Station, samantalang nagsisilbi namang unloading stations ang Ortigas Avenue, Guadalupe Station, Ayala Station at Taft Avenue Station.