Handang magbalik sa boxing ring ang “Boxing Hall of Famer” na si Oscar Dela Hoya.
Ito ay para hamunin ng laban si UFC Star Conor McGregor.
Ayon sa tinaguriang golden boy ng boxing, tiwala siyang kaya niyang pabagsakin sa loob lamang ng dalawang round si McGregor na una nang tinalo ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr. sa ispesyal nilang laban.
Sinabi ni Dela Hoya na nasa kanya pa rin ang boxing skills na kayang tumalo ng kalaban.
Maliban dito, mayroon din aniya siyang secret meeting kaya’t naibalik ang kanyang lakas at bilis.
Matatandaang tinapos noon ni Dela Hoya ang kanyang boxing career matapos siyang bugbugin sa ring ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.