Tumutulong na ngayon boxing legend at golden boy promotions CEO Oscar dela Hoya sa promosyon ng laban ni dating 8-Division World Champion Manny Pacquiao kay Lucas Matthysse na gaganapin sa Hulyo 15.
Ayon kay Dela Hoya, magtutungo itong Malaysia ngayong linggo para sa promosyon ng naturang laban.
Naniniwala ang dating Olympic champion na wala nang magiging sagabal pa para maisakaturapan ang naturang laban lalo’t desidido aniya ang magkabilang kampo na magka-alaman sa darating na Hulyo.
Una rito, nagpahayag ng pagdududa ang dating promoter ni Pacquiao na si Bob Arum na matutuloy ang naturang laban ni Pacquiao.
—-