Walang kapangyarihan ang Korte Suprema na atasan ang Kongreso na magsagawa ng joint session upang talakayin ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ito ang nakasaad sa 40 pahinang komento ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema hinggil sa dalawang petisyong kaugnay ng usapin.
Giit ni Calida sa kaniyang komento, malinaw ang isinasaad sa saligang batas na separation of powers ng tatlong sangay ng pamahalaan kaya’t hindi maaaring manghimasok ang hudikatura sa anumang hakbang ng lehislatura o ehekutibo.
Malinaw din aniya ang nakasulat sa saligang batas ng taong 1987 na hindi inoobliga ang Kongreso na magpatawag ng joint session lalo’t kinakailangan lamang ito kung babawiin ang nasabing deklarasyon.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
OSG nagsumite na ng kanilang komento sa SC hinggil sa martial law was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882