Nanindigan ang Office of the Solicitor General o OSG na sapat ang mga umiira na batas sa Pilipinas para tugunan ang usapin ng mga umano’y walang habas na pagpatay sa ilalim ng war on drugs.
Ito’y ayon kay Atty. Erik Dy, spokesman ng SolGen makaraang igiit nito na walang hurisdiksyon ang ICC o International Criminal Court sa isinampang kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t hindi naman aniya pinagbabawalan ang ICC na magsagawa ng preliminary examination sa crimes against humanity case laban sa Pangulo, subalit iba na aniyang usapin ang assumption of jurisdiction.
Magugunitang inihayag ng ICC na magsasagawa sila ng preliminary examination sa mga krimeng nagawa umano ng gubyerno ng Pilipinas mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte bagay na minaliit naman ng Malakaniyang.
Posted by: Robert Eugenio