Pansamantalang isinara ang tanggapan ng Office of the Solicitor General sa Makati City kahapon.
Ito ay matapos mabatid na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga empleyado ng OSG sa isinagawang rapid test.
Batay sa abiso ng OSG, suspendido muna ang pagtanggap at paglalabas ng mga dokumento sa kanilang opisina.
Maglalabas na lamang anila ng abiso sa mga susunod na araw kung kailan muling magbubukas ang tanggapan ng OSG. —ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)