Nilinis ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Office of the Solicitor General (OSG) hinggil sa usapin ng pagpapatigil ng operasyon ng ABS-CBN.
Ayon kay NTC deputy commissioner Edgardo Cabarios, walang kinalaman ang babala ng OSG sa naging desisyon ng NTC sa ABS-CBN.
Ani Cabarios, mabuti itong pinag-aralan ng legal team ng komisyon bago naglabas ng desisyon.
Giit ni Cabarios, hindi kailanman nag-isyu ang NTC ng provisional authority sa anumang expiring Congressional Franchise.
Una rito nagbabala ang OSG sa ilang opisyal na maaari silang maharap sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act kapag naglabas ng provisional authority sa ABS-CBN para makapagpatuloy ng kanilang operasyon kahit paso na ang prangkisa nito nuong Mayo 4.