Hindi natutuwa si dating Senador Sergio Osmenia sa performance ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahala sa bansa.
Sa katunayan very poor ang rating na ibinigay ni Osmenia sa Pangulo sa istilo ng pamamahala sa bansa at ekonomiya.
Partikular na very poor rating ang ibinigay ni Osmenia sa COVID-19 response ng Duterte administration na kitang kita ang kakulangan kaya’t malabo pang kaagad makabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.
Kasabay nito inihayag ni Osmenia na mahihina rin ang mga bagong crop ng mga senador ngayon na takot sa Malakaniyang taliwas sa kanilang panahon noon.